-- Advertisements --

Asahan ang mga biglaang buhos ng ulan sa ilang parte ng Mindanao dahil sa isa na namang low pressure area (LPA).

Ayon sa ulat ng Pagasa, maliit pa ang posibilidad nitong lumakas bilang bagyo.

Huling namataan ang LPA sa layong 175 km sa silangan ng Davao City.

Nakapaloob ang namumuong sama ng panahon sa umiiral na intertropical convergence zone (ITCZ).

Dahil dito, ang iba pang bahagi ng Mindanao ay posible ring makaranas ng mga pag-ulan.