-- Advertisements --
Muling naglatag ng mga kondisyon si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu para tuluyang matapos ang giyera sa Gaza.
Nanguna dito ang tuluyang pag-disarma sa mga Hamas, pagpapalaya sa mga bihag buhay man o bangkay man.
Mahalaga din na maging demilitarised na ang Gaza at maglagay din ng Israeli security control sa Gaza Strip kabilang security perimeter.
Magkakaroon din ng alternative civil administration sa pagitan ng Hamas at Palestinian Authority.
Dagdag pa ni Netanyahu na ang nasabing mga kondisyon ay matitiyak ang seguridad ng Israel at makakamit ang tunay na tagumpay.
Magugunitang ikinagalit ng Hamas ang dami ng mga kondisyon ng Israel na nagpapakita lamang umano na hindi sila interesado sa ceasefire.