Walang gagawing pagbabago si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa line up para sa pagbabalik aksyon nila sa FIBA World Cup qualifiers na gaganapin sa buwan ng Disyembre.
Sinabi nito na kasama sa programa niya ang pagkakaroon ng paggaling ng bawat manlalaro.
Nagtapos kasi sa pang-walong puwesto ang Gilas Pilipinas sa katatapos na 2025 FIBA Asia Cup na nag-improve noong 2022 na pang-siyam lamang sila.
Subalit bigo silang maabot ang semifinals at makamit muli ang titulo na huling nahawakan ay noong 1985.
Dagdag ni Cone na ang pgsasama-sama at sabay na umunlad sa paglalaro ay mahalaga sa isang koponan.
Ang mga pagkatalo aniya nila ay kaniyang gagamitin na leksyon kung saan magsasagawa na lamang sila ng mga adjustments.
Maglalaro ang Gilas sa buwan ng Nobyembre para sa first window ng FIBA World Cup Qualifiers kung saan dalawang beses nilang makakaharap ang Guam sa home and away games sa Nobyembre at Disyembre.