-- Advertisements --

Pinag-iingat ng Pagasa ang publiko sa mga pag-ulan dahil sa umiiral na low pressure area (LPA).

Huling namataan ang LPA sa layong 70 km sa hilaga hilagang kanluran ng Virac, Catanduanes o 100 km sa silangan ng Daet, Camarines Norte.

Kabilang sa mga apektado ng namumuong sama ng panahon ang Bicol region, CALABARZON, MIMAROPA, Isabela, Aurora at Visayas.

Nagbabala rin ang Pagasa sa posibilidad ng lahar flow sa may Mt. Bulusan, kung magtutuloy-tuloy ang buhos ng ulan.

Maaari din ang baha, sa low lying areas ng mga lugar na nabanggit.