Reading Time: 1 minute
DND Sec Delfin Lorenzana
DND Sec. Delfin Lorenzana/ FB post

Nakatakdang bumili ng mga kagamitang pandigma si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana sa five-member European countries.

Ito ay dahil sa bibisita ang kalihim sa buwan ng Setyembre sa Czech Republic, France, Spain, Portugal at United Kingdom na lahat ay mga miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Sinabi ng kalihim na sila ay magka-canvass muna ng mga kagamitan at kapag nakita nila ang kanilang gusto at may sapat na budget ay bibilhin nila ito para sa bansa.