CAGAYAN DE ORO CITY – Bumubula na ang bibig ng 77-anyos na lolo nang matagpuan ito ng mga otoridad na wala ng buhay sa loob ng isang motel sa may Capistrano Street nitong lungsod.

Ito ang dahilan kung kaya’t sisiyasatin ng pulisya ang posibilidad na gumamit ng sex enhancer tablets ang biktima na siyang dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.

Sinabi ni Divisoria Police Station commander Capt. Rogie Ortencio na patay nang nakita ng roomboy ang biktimang si Victor Gabor at iniwang mag-isa ng kaniyang kasamang babae.

Sa ngayon, pinayuhan ng mga pulis ang pamilya ng namatay na isailalim ito sa otopsiya upang malaman ang totoong dahilan ng pagkamatay nito.

Una nang lumabas sa pagsusuri ng mga doktor sa JR Borja City Hospital na cardiac arrest ang ikinamatay ni Lolo Victor.

-- Advertisement --