Itinanggi ng magkasintahang Ronnie Alonte at Loisa Andalio na sila ay nagsasama na sa iisang bubong.

Sinabi ng actress na, naging malapit lamang sila sa isa’t-isa ng nobyo.

Dagdag pa nito na magkalapit lamang ang kanilang bahay nila sa Laguna at Cavite kaya madalas silang magkasama.

Hindi naman ikinaila ng actor na napag-uusapan na rin nila ang pagpapakasal.

Magugunitang unang inamin ng dalawa ang kanilang relasyon noong Disyembre 2018.