CAGAYAN DE ORO CITY- Walang katotohanan ang mga napabalitang may ipinapatupad na lockdown sa buong probinsya ng Bukidnon.

Ito ang nilinaw ngayon ni Bukidnon Provincial Police Office Director Col. Roel Lami-ing sa naging panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro.

Aniya, Community quarantine lamang ang ipinapairal sa naturang probinsya.

Iginiit rin ni Col. Lami-ing na sa kabila ng Community quarantine, ay mas mahigpit na seguridad ang kanilang isinagawa sa entry at exit point ng lalawigan.

Ibig sabihin nito na hindi na pinahintulutang makapasok ang mga tawo sa naturang lugar maliban na lamang sa mga residente, frontliners, authorized personnel at mga nagdedeliver ng mga produkto na kinakailangan rin ng mga tao sa kanilang lugar.