Tinawag ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Spokesman Carlo Nograles na “fake news” ang mga kumakalat sa social media na 60-day lockdown, extension ng lockdown sa Luzon at pagsasara ng mga palengke kagnay sa COVID-19.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Sec. Nograles na wala itong katotohanan at mariin nilang binabalaan ang mga nagpapakalat ng mga ganitong “fake news.”
Ayon kay Sec. Nograles, may mga natukoy na silang mga nagpapakalat ng “fake news” at nakakulong na.
Inihayag ni Sec. Nograles na hindi ito nakakatulong sa sitwasyon at nagpapagulo lamang dahil sa idinudulot na alarma at panic sa publiko.
“I advise the public to refrain from forwarding or posting these rumors like these as they unnecessarily cause panic and fuel detrimental behavior like hoarding. Hindi po ito nakakatulong,” ani Sec. Nograles.
“These rumors being passed around are not harmless, and only highlight the need to institute measures to discourage the public from spreading them. Tulad ng virus, delikado din ang chismis na ganito at kailangan din gumawa ng hakbang upang tigilan ang pagkakalat nito––dahil nakasasama ang mga ito sa ating lahat.”