Pinangunahan ni Cardinal Giovanni Battista Re, Dean of the College of Cardinals ang Easter Vigil sa St Peter’s Basilica.
Binasa ni Cardinal Re ang homily ni Pope Francis kung saan sinabi ng santo papa na ang pagdiriwang na ito ay nagpapaalala sa atin na ang liwanag ng pagkabuhay ay nagliliwanag sa ating mga landas at sa ating mga puso.
Sa mensahe pa ni Pope Francis, sinabi nito na ang liwanag ng Muling Pagkabuhay ay nananawagan para sa tugon ng isang mapagpakumbabang pananampalataya.
Ang Pagkabuhay aniya ay parang isang maliiit na binhi ng liwanag na unti-unti at tahimik na nag-uugat sa ating mga puso, kung minsan ay biktima pa rin ng kadiliman at kawalan ng pananampalataya.
Punto pa ng santo papa, ang liwanag ng Pagkabuhay ay tumutulong sa atin na harapin ang mga gabing nananahan sa ating mga puso at ang anino ng kamatayan na kadalasang bumabalot sa ating mundo.
Dagdag pa nito, ipinagkatiwala sa atin ang maliit na binhi ng liwanag uoang ito ay protektahan at lumago.