Tiniyak ni AFP chief of staff Lt. Gen. Andres Centino na kanilang tinutugunan ang “living conditions” ng mga tropa na naka-deploy sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni Centino na kanilang nire-repair ang “dilapidated” na barko para maayos ang tirahan ng mga sundalo sa loob ng barko.
Bukod sa pag-repair sa nasabing barko, regular din ang ginagawang resupply mission sa mga tropa doon at ang pagpalit ng mga personnel na naka-station sa BRP Sierra Madre.
Taong 1999 nang bumalahaw sa bahura sa Ayungin Shoal ang nasabing barko ng Philippine Navy at hanggang ngayon ay nananatili ito bilang simbolo na pag-aari ng Pilipinas ang lugar.
Muling uminit ang isyu sa West Philippine Sea, matapos bombahin ng tubig ng Chinese Coast Guard ang barko ng Pilipinas na siyang nagdadala ng mga pagkain sa mga tropa.
Inakusahan naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang China ng tresspassing dahil ang Ayungin Shoal ay sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas at mayroong sovereign rights ang bansa dito.