Patuloy na nakikinabang sa agriculure sector ang hindi bababa sa 11.2 milyong empleyado ng sektor na ito sa kabilang hindi gaanong paglaki nito.
Sa naging pagdinig kanina ng Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform, imingukahi ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary for Policy, Planning and Regulations Atty. Asis Perez na sa kabila ng mataas na bilang na benepisyaryo sa naturang sektor ay nananatiling mataas ang porsyento ng kahirapan sa agrikultura.
Aniya, bagamat nagkaroon ng improvement sa mga datos dahil mula sa 38.5% na kahirapan noong 2006 ay kasalukuyan itong nasa 27.0% para sa mga mga magsasaka hbang mula naman sa 41.2% ay kasalukuyang nasa 27.4% ang nararanasang kahirapan ngayong ng sektor ng fisheries ay maliit pa rin ang mga pagbabago at improvement na ito.
Paliwanag ni Perez, ang poverty incidence kasi sa ibang mga bansa sa kasalukuyan ay nasa 4%-5% lamang na nagpapakita na nananatiling mataas pa rin ang kahirapan sa sektor sa kabila ng mataas na bilang mga nagtatrabaho sa ilalim nito.
Samantala, nakikita naman ng departamento na mga problema o isyu sa sektor ng agrikultura ay ang mababang produksyon, mga delay na konstruksyon ng mga imprakstraktura, at maging ang epekto ng paiba-ibang panahon dahil sa pagtaas ng natatamong danyos ng agrikultura tuwing kalamidad.