Umabot sa ₱12-B ang kabuuang assets ang na-freeze ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kabilang ang P4-B na air assets ni Zaldy Co, 3,566 bank accounts, 198 insurance policies, 247 sasakyan, 178 real properties, at 16 e-wallets.
Ito ang iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Pangulo umpisa pa lamang ito at sa darating na mga araw ay mas maraming assets pa ang ma-freeze at para maibalik ang pera ng taumbayan.
Binigyang-diin ng Pangulo na pangako niya ito sa sambayanan na ang mga ninakaw na pera ay maibabalik.
Ibinunyag din ni Pangulong Marcos na magsusumite na rin ang ICI at DPWH ng ebidensiya sa Ombudsman para sa rekomendasyon na magsampa ng kasong plunder, anti-graft, bribery, at conflict of interest laban sa walong kongresistang may-ari ng construction companies.
















