Nagka-usap sa telepono si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Ukraine President Volodymyr Zelensky.
Sa nasabing pag-uusap, kapwa kinilala ng dalawang lider ang positibong pag-unlad na ito sa bilateral na relasyon ng kanilang mga bansa.
Ibinahagi ni Pangulong Marcos na napag-usapan nila ni Pangulong Zelensky ang iba’t ibang oportunidad para sa karagdagang pagtutulungan sa pagitan ng Ukraine at Pilipinas.
Partikular niyang binanggit ang ilang mga larangan kung saan maaaring palakasin ang kooperasyon.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang kanilang pag-uusap ay nakatuon sa kooperasyon sa mga mahahalagang sektor tulad ng food security, agrikultura, at digitalization.
Kaugnay ng pagiging host country ng Pilipinas sa 2026 ASEAN Summit, isa rin sa mga natalakay ay ang pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng ASEAN at Ukraine.
















