Umapela si Senate Committee on Women and Children Chairman Senadora Risa Hontiveros sa mga awtoridad na aktibong makipag-ugnayan sa mga international counterparts upang maibalik si Cassie Li Ong sa Pilipinas.
Ang pahayag ni Hontiveros ay matapos mapag-alamang nakalaya siya at huling namataan sa Japan.
Si Ong ang authorized representative ng POGO firm na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga. Isa rin siyang incorporator ng Whirlwind Corporation, ang kumpanya na nag-lease ng lupa sa Lucky South 99.
Giit ni Hontiveros, na siyang nagsulong ng imbestigasyon kaugnay sa POGO, na dapat makabalik ng bansa si Ong at harapin nito ang hustisya.
Aniya, hindi maaaring walang pananagutan si Ong gayong ang kaso niya ay may kaugnayan sa human trafficking at hindi lamang basta minor traffic viollation na maaaring palampasin.
Dagdag ng senadora, dapat na ring kanselahin ng pamahalaan ang passport ni Ong at iba pa niyang kasabwat, at iginiit na hindi siya turista.















