Na-retrieve na ng Commission on Audit (COA) ang unang batch ng mga dokumento sa kontrobersiyal na flood control projects sa Bulacan.
Sa isang video na inilabas ng COA sa mga kawani ng media, lumalabas na nakuha ng audit team ang naturang mga dokumento mula sa district engineering offices ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Central Luzon.
Ayon sa komisyon, agad na ipinadala ang mga narekober na dokumento sa COA Central office para sa malalimang imbestigasyon.
Ang pagkakarekober naman ng mga dokumento ay kasunod ng direktiba ng COA para sa paglulunsad ng isang fraud audit o pagsisiyasat sa posibleng anomaliya sa bilyun-bilyong halaga ng flood control projects na ipinatupad ng DPWH sa lalawigan.
Base sa COA, ang Central Luzon ang nakakuha ng pinakamataas na halaga ng pondo para sa flood control projects na nagkakahalaga ng P98 billion.
Kung saan ang probinsiya ng Bulacan ang may pinakamalaking alokasyong pondo sa buong rehiyon na aabot sa P44 billion. (report by Bombo Jai)