-- Advertisements --

ALASKA, USA – Naging makasaysayan ang pagkakataon na paghaharap nina U.S. President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin sa isang high-stakes summit sa Alaska, na layong pag-usapan ang lumalalang digmaan sa Ukraine.

Bagamat walang pormal na kasunduan sa tigil-putukan ang naabot, kapwa lider ay nagpahayag ng pag-asa sa posibilidad ng kapayapaan.

“We didn’t get there, but we have a very good chance of getting there,” wika ni Trump, matapos ang halos dalawang oras na pulong.

Ayon kay Trump, “extremely productive” ang naging talakayan, kung saan maraming punto ang napagkasunduan. Gayunman, nananatiling bukas ang mga sensitibong usapin, kabilang ang seguridad ng Ukraine at mga kondisyon ng Russia sa pagwawakas ng digmaan.

“There’s no deal until there’s a deal,” giit ni Trump.

Sa panig ni Putin, inilarawan niya ang digmaan bilang isang trahedya para sa parehong panig.

“We have the same roots… everything that is happening for us is a tragedy and a great pain,” aniya.

Binigyang-diin din ni Putin ang kahalagahan ng personal na pag-uusap sa pagitan ng mga lider.

Ipinahiwatig ni Trump na magkakaroon ng ikalawang summit, kung saan inaasahang mas malalim ang pagtalakay sa peace deal.

Posibleng imbitahan si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy upang maging bahagi ng negosasyon.

“The second meeting will be very, very important — because that will be the meeting where they make a deal,” ani Trump.