Pormal nang inirekomenda ni Education Sec. Leonor Briones kay Pangulong Rodrigo Duterte ang limitadong face-to-face classes sa mga lugar na itinuturing na “low risk” sa COVID-19 transmission.
Sinabi ni Pangulong Duterte, suportado niya ang panukala ni Sec. Briones matapos maiprisinta ng kalihim ang detalye kung paano ito gagawin.
Ayon naman kay Presidential Spokesman Harry Roque, totoong inaprubahan ni Pangulong Duterte ang nasabing rekomendasyong iniharap ni Sec. Briones kagabi at kaninang umaga ini-ere ang IATF meeting.
Inihayag ni Sec. Briones na ang physical classes sa ilang piling lugar sa bansa ay gagawin isa o dalawang beses kada linggo lamang.
“For basic education, maybe we can allow limited face-to-face learning but to be strictly regulated in the light of present conditions,” ani Sec. Briones.