Handang-handa na ang Philippine Red Cross (PRC) para sa 2025 Midterm Elections mula Mayo 9 hanggang 12.
Magde-deploy ang PRC ng 2,260 volunteers at staff, 28 emergency vehicles, 103 foot patrol units, at 51 mobile units sa buong bansa. Habang may 38 na ambulansya ang naka-standby sa mga pangunahing lugar habang naka-alerto ang natitirang 178 ambulansya sa mga lokal na chapter ng PRC.
Magtatayo rin ang PRC ng 291 first aid stations at 146 welfare desks sa mga lugar gaya ng paliparan, terminals, barangay halls, malls, paaralan, at istasyon ng tren. Nakaantabay din ang Red Cross 143 volunteers sa bawat barangay.
‘Just dial 143 if you need help…. Whether it is election-related, whether you need an ambulance. Somebody will answer. People will answer. We will have more people here by that time,’ pahayag ni Gordon.
Hinimok ni PRC Chairman at CEO Dick Gordon ang publiko na bumoto at agad tumawag sa hotline 143 kung may emergency. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng ligtas na biyahe pauwi ng mga probinsya.
‘If you feel like you need assistance, if you feel bad, if you feel anxious. Red Cross is there to help but we are not there to put our body to stop the violence,’ dagdag pa nito.
Ayon naman kay PRC Secretary-General Dr. Gwen Pang, nakahanda na ang lahat ng humanitarian services ng PRC—kasama na ang Blood Services, Emergency Response Units, at Disaster Management Services—para tumugon sa anumang insidente.