Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Transportation Secretary Vince Dizon na magpatupad ng reporma sa transport system kasunod ng malagim na trahedya sa SCTEX toll plaza at NAIA Terminal 1 kung saan 12 indibidwal ang nasawi kabilang ang isang apat na taong gulang na batang babae.
Pinatitiyak din ng Pangulo na managot ang mga dapat managot sa trahedya.
Nais ng Pangulong Marcos na ang nasabing reporma ay magtitiyak sa kaligtasan ng mga commuters at mga biyahero.
Partikular na pinapa rebyu ng Pangulo ay ang driver licensing system, layon nito
upang matiyak na ang mga driver ay fit, may kakayahan, at responsableng mga indibidwal sa mga kalsada.
Nais din ng Punong Ehekutibo na magkaroon ng nationwide audit sa mga bus operators kung sumusunod ang mga ito sa safety and maintenance standards.
Inaatasan din ng Pangulo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sugpuin ang mga hindi ligtas at mapagsamantalang gawi sa sektor ng transportasyon, na nagreresulta sa pagkapagod ng mga driver at mahabang oras upang matugunan ang mga quota na nakakakompromiso sa kaligtasan ng publiko.
Sa isang video messdage nagpa-abot ng pakikiramay ang Pangulong Marcos sa mga kaanak ng mga biktima sa SCTEX at NAIA Terminal 1.
Giit ni Pangulong Marcos hindi biro ang pagkawala ng 12 inosenteng buhay dahil lamang sa isang malagim na trahedya.
Ayam na ng Pangulo na maulit pa ang nasabing vehicular accident.