-- Advertisements --

Nagbabala ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa iba pang mga sangkot sa scamming na hahabulin sila ng batas, kagaya ng nangyari sa Kapa Community Ministry International, Inc. (KAPA).

Magugunitang hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong ang leader ng grupo na si Pastor Joel Apolinario, dahil sa illegal na pangungulekta ng investment mula sa kanilang mga miyembro, kahit wala itong anumang pahintulot mula sa SEC.

Ayon sa komisyon, ang KAPA ang binansagang largest investment scam sa Philippine history.

Kaya ang paggawad ng hustisya sa mga biktima nito ay tagumpay ng kampanya laban sa scammers.

Maliban kay Apolinario, kulong din sina Cristobal R. Baradad at Joji A. Jusay.

Si Apolinario at mga pangunahing opisyal ng KAPA ay napatawan ng life imprisonment para sa syndicated estafa, ngunit may iba pang kasong kinakaharap ang mga ito ukol sa nasamsam na mga armas sa kanilang compound.

Ang desisyon ay na-promulgate nitong December 12, sa Branch 33 ng Regional Trial Court (RTC) of Butuan City.