-- Advertisements --

Tinitiyak ng Palasyo Malacañang na handa ang pamahalaan sa pagdating ng bagyong Uwan, na posibleng maging Super Typhoon.

Ayon kay Communications Usec. Claire Castro , nagpadala na ang pamahalaan ng mga first responder sa mga lalawigang maaaring maapektuhan ng bagyo para mabilis na makatugon sa pangangailangan.

Patuloy rin ang pamamahagi ng tulong sa mga residenteng apektado ng nakaraang bagyo, kasama na ang ₱760 milyon na financial assistance mula sa Office of the President (OP).

Tiniyak ng pamahalaan na tutulungan ang mga lugar na labis na nasalanta ng Bagyong Tino, lalo na ang Cebu, hanggang sa tuluyan silang makabangon.

Ayon kay Usec. Castro, binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. na hindi pababayaan ng pamahalaan ang Cebu hangga’t hindi lahat ay nakakabangon. Tinitiyak ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. na lahat ay makakatanggap ng tulong at kalinga sa anumang panig ng bansa.

Sinabi naman ni PBBM na ginagawa nila ang lahat ng effort para mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Tino.

Una na rin nitong sinabi na pinaghahandaan na rin nito ang pagpasok sa bansa ng Bagyong Uwan.