-- Advertisements --

Inanunsiyo ngayong araw ng Department of Transportation na libre na ang pagsakay sa MRT-3, LRT-1 at LRT-2 hanggang matapos ang operasyon nito ngayongh araw. Kasunod ito ng patuloy na pagbuhos ng ulan na hatid ng habagat na nagdudulot ng pagbaha sa ilang bahagi ng bansa, kabilang ang Metro Manila. Ang operasyon ng mga tren ay magtatagal pa hanggang alas-9 ngayong gabi.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang libreng sakay upang matiyak na may ligtas na masakyan ang publiko sa gitna ng masamang panahon.

Batay sa datos ng state weather bureau, magdadala pa ng malalakas na pag-ulan ngayong Lunes ang habagat sa mga sumusunod na lugar: Metro Manila, Ilocos Region, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Oriental Mindoro. Inaasahan ding makararanas ng matitinding ulan ang Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro.

Dagdag pa rito, may namataan na low pressure area bandang silangan ng Southeastern Luzon kaninang alas-3 ng madaling araw, ayon sa PAGASA. May katamtamang posibilidad itong maging tropical depression sa loob ng 24 oras.