-- Advertisements --

Ibabalik ng gobyerno ang libreng sakay program sa mga public utility jeepneys at buses sa Metro Manila.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magsisimula ang nasabing programa sa Nobyembre 1.

Inaprubahan na kasi ng Department of Budget and Management ang P1.3 bilyon na funding para sa nasabing libreng sakay sa EDSA Carousel at ilang bahagi ng Metro Manila.

Inaasahan na ngayong buwan ay mailalabas ang nasabing pondo ng programa.

Ang nasabing programa ay bahagi ng service contracting system ng Marcos Administration.

Bibigyang prioridad ng LTFRB ang mga modern jeepneys at kooperatiba na unang nakapag-enroll na sa nasabing service contracting scheme.