-- Advertisements --
Umarangkada ngayong araw ang apat na araw na ‘Libreng Sakay’ ng pamahalaan bilang pagdiriwang sa darating na Labor Day sa Mayo 1.
Batay sa derektiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang ‘Libreng Sakay’ ay isa lamang sa hakbang ng pamahaalan bilang pagkilala sa lahat ng mga manggagawa sa buong bansa.
Samantala personal ding binisita ni Department of Transportation Sec. Vince Dizon ang LRT line 2 kung saan nagpapatupad din ng ‘Libreng Sakay’.
Ayon kay Dizon 3.5 million na mga pasahero ang makikinabang sa apat na raw na ‘Libreng Sakay’ sa mga estasyon ng MRT-3, LRT 1 at LRT 2 na nagsimula ngayong Miyerkules, Abril 30 na magtatapos naman sa Sabado, Mayo 3 ng taong kasalukuyan.