Nanawagan si Italian Cardinal Giovanni Battista Re para sa mga isyung malapit sa puso ng yumaong si Pope Francis, kabilang ang karapatan ng mga migrants, pagtatapos ng digmaan, at pagkilos laban sa pagbabago ng klima.
Ang mensahe ay isinagawa matapos ang isang makulay na sermon sa libing ng Santo Papa noong Sabado, Abril 26, 2025.
Binanggit pa ni Re sa sermon ang isang mabigat na kritisismo noon ni Pope Francis kay U.S. President Donald Trump, na present sa libing, na “magpatayo ng mga tulay, hindi ng mga pader.”
Isang bagay na nagpapakita ng hidwaan ng Santo Papa at ni Trump sa isyu ng immigration.
Ang sermon, na narinig ng milyon-milyong mga tagapanood, ay isang malinaw na mensahe sa mga cardinal na malapit nang pumili ng susunod na Santo Papa.
Itinuturing itong gabay para sa kanilang mga gagawing deliberasyon, na nagsasaad ng pagtutok sa mga isyung tinalakay ni Pope Francis.
Ang libing ni Pope Francis, ay minarkahan bilang isang maayos na seremonya na dinaluhan ng mga lider ng iba’t ibang bansa, kasama na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang mga lider mula sa buong mundo.