-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga local government officials na may pinapaburan sa listahan ng mga benepisyaryo sa cash assistance ng pamahalaan sa ilalim ng social amelioration program sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, dapat maging responsable at patas ang mga LGUs sa kanilang listahan nang aabutan ng tulong.

Iginiit ni Bautista na malaki ang papel ng LGUs sa social amelioration program ng pamahalaan sapagkat sila ang nakakaalam ng profile ng mga target beneficiaries.

Gayunman, sa oras na mapatunayang may pinapaburan ang mga LGUs sa naturang listahan, sinabi ng DSWD na mahaharap ang mga ito sa sanctions na ipapataw naman ng DILG.

Ayon kay Bautista, nakausap na niya si DILG Sec. Eduardo Año patungkol sa gagawin laban sa mga LGU officials na may ginagawang iregular sa sitwasyon ngayon.