SAN ANTONIO – Halos hindi pinaporma ng San Antonio Spurs ang karibal na Memphis Grizzlies matapos itala ang ikalawang panalo sa iskor na 96-82.

Hawak na ngayon ng Spurs ang 2-0 lead sa first-round series sa Eastern Conference.

Bumida sa panalo ng San Antonio si Kawhi Leonard na may postseason career-high 37 points at 11 rebounds.

Nagtapos si Leonard sa pamamagitan ng 9 for 14 mula sa field pero walang paltos pagdating naman sa free throws na 19 out of 19 attempts.

Tumulong naman si Tony Parker sa kanyang 15 points.

Tatlo pang players ng Spurs ang umiskor din sa double figures.

Ito na ang ika-10 sunod-sunod na panalo sa postseason game ng Spurs laban sa Memphis.

Sa panig ng Grizzlies sina Mike Conley ay may 24 points, Zach Randolph na nagpasok ng 18 points habang si Marc Gasol ay nagdagdag ng 12 points sa bigong kampanya.

Samantala ang Game 3 ay gagawin sa Biyernes sa teritoryo ng Memphis.