Ipinagmalaki ni US President Donald Trump ang kaniyang matitinding impeachment legal defense team.
Ayon sa US President, may dinagdag pa itong tatlong seasoned lawyers na sina Keneth Starr, Alan Dershowitz na isang constitutional lawyer at si Robert Ray.
Si Ray ay isang miyembro ng Office of Independent Counsel noong panahon ni President Bill Clinton habang si Starr ay isang hard-charging prosecutor na nagpatalsik noon kay Clinton.
Ang tatlo ay karagdagan sa legal team ni Trump na pinangungunahan nina White House counsel Pat Cipollone at attorney Jay Sekulow bukod pa kina dating Florida Attorney General Pam Bondi at longtime personal counsel ni Trump na si Jane Raskin.
Ayon sa tagapagsalita ng legal team ni Trump, irerepresenta nila ang oral arguments sa Senate Trial.
Magsisimula ang impeachment trial sa Enero 21 kung saan dapat mayroong two-thirds na boto ang kailangan para mapatalsik ang pangulo.
Pero ngayon pa lamang ipinahiwatig na ng ilang mga senador na kaalyado ni Trump na kanilang iaabswelto ang kasamang Republican President.