-- Advertisements --

Kinumpirma ng Russia at Ukraine na makikibahagi sila sa panibagong usaping pangkapayapaan.

Nakatakdang ganapin kasi ang ikatlong US-mediated peace talks mula Pebrero 17 at 18 sa Geneva.

Mayroon ng dalawang peace talks ang naganap sa Abu Dhabi subalit ngayon ay unang gaganapin ito sa Europa.

Dadaluhan ito ng mga kinatawan ng mga bansang Russia, Ukraine at US.

Sa mga nagdaang peace talks ay nagkasundo sila ng hindi muna pag-atake sa mga energy infrastructures.

Habang sa ikalawang pag-uusap ay nagkaroon naman ng palitan ng bihag.

Magugunitang makailang ulit ng sinabi ni US Pesident Donald Trump na kaniyang nais tapusin na ang kaguluhan as Russia at Ukraine ng halos apat na taon na.