LeBron James LA Lakers
LeBron James (photo @Lakers)
-- Advertisements --

Muling iniangat ni LeBron James ang Los Angeles Lakers gamit ang 37 points, eight rebounds at six assists upang idispatsa ang Charlotte Hornets, 116-105.

Malaking tulong din ang ginawa ni Dennis Schröder na nag-ambag ng 22 points at seven assists.

Ito na ang ikaapat na sunod na panalo ng NBA defending champion para pumuwesto muli ang team sa ikalawang posisyon sa Western Conference.

Lakers LeBron James 1
LeBron James (photo @Lakers)

Kailangan lamang ng LA ang 1 1/2 games para mahabol ang top team ngayon sa liga na Utah Jazz.

Sa kabuuan anim na ang ipinanalo ng Lakers (28-13) sa huling walong games kahit hindi pa rin nakakabalik sina Marc Gasol at Anthony Davis.

-- Advertisement --

Sa panig ng Hornets (20-20), nagpakitang gilas din naman ang rookie na si LaMelo Ball na tumipon ng 26 points at seven assists para sa kanyang homecoming.

Inabangan din ng mga fans ang laro ni LaMelo dahil dati itong sumasama sa Lakers noong bahagi pa ng team ang kanyang kapatid na si Lonzo Ball.