Sumali na rin sa practice ng Cleveland Cavaliers si NBA superstar Lebron James upang ma-testing kung pwede nang ilaban ang kanyang kaliwang bukong-bukong na nauna nang dumanas ng injury.

Kung maalala tatlong preseason games din ng Cavs na hindi nakapaglaro ang three-time NBA champion.

Tanging isang game lamang ang kanyang nasalihan noong nakaraang linggo kontra sa Bulls.

Ayon kay coach Tyronn Lue, nakibahagi sa ilang plays si James bago sa kanyang cardio workout at pagpapatuloy ng treatment.

Sa kabila nito, wala pa ring kasiguraduhan kung tuloy na ang paglalaro ni James sa Miyerkules kontra sa Boston Celtics.

Nagkataon pa na makakaharap nila si Kyrie Irving na dating point guard ng Cavs.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here