Lebron james king james
Lakers star LeBron James (photo @Lakers)
-- Advertisements --

Posibleng hindi makapaglaro ng mula tatlo hanggang anim na linggo si NBA superstar LeBron James.

Ito ay matapos na magtamo ng high ankle sprain injury ng talunin ang Los Angeles Lakers ng Atlanta Hawks, 99-94 nitong Linggo.

Lumabas naman sa kampo ng Lakers na nagnegatibo sa anumang injury ang right ankle ni James.

Dahil dito, maaaring mapaaga ang pagbabalik sa basketball court ng Lakers star.

Nangangamba kasi ang mga fans ng koponan na baka mabago pa ang kanilang standing sa Western Conference Finals matapos na hindi pa rin nakapaglaro dahil sa injury si Anthony Davis.

-- Advertisement --