Wala pang katiyakan sa ngayon kung makakapaglaro ang tandem nina LeBron James at Anthony Davis sa inaantabayanang Christmas Day game ng Los Angeles Lakers laban sa karibal nilang LA Clippers.

Kapwa kasi hindi nakadalo ang dalawa sa ensayo ng team nitong Martes.

Matatandaang nagpapagaling pa si James mula sa natamo nitong thoracic muscle strain sa kanyang likod, samantalang dumaranas naman ng knee injury si Davis.

Ayon kay Los Angeles coach Frank Vogel, sasailalim sa reevaluation ang dalawa bukas.

Samantala, unti-unti naman umanong gumagaling si forward Kyle Kuzma mula sa natamo nitong ankle injury.

Sinabi ni Vogel, posible raw na dagdagan pa ang playing time ni Kuzma na limang laro nawala bunsod ng kanyang rehabilitasyon.