Umakyat na sa 15 meters ang antas ng tubig sa Marikina River pasado alas-11 ngayong gabi, July 19.
Nakataas na rin sa 1st alarm ang lebel ng tubig sa ilog.
Ito ay sa gitna ng tuloy-tuloy na buhos ng ulan dulot ng Habagat.
Ang unang alarma ay nangangahulugang dapat nang maghanda ang mga residente para sa posibleng paglikas.
Ayon pa sa Marikina PIO, bukas na ang mga evacuation centers sa iba’t ibang bahagi ng Marikina kung kinakailangan ng agarang paglikas ng mga pamilyang maaaring maapektuhan ng pagtaas ng tubig o pagbaha.
Pinayuhan na rin ang mga residente sa mga low-lying areas na maging handa at makipag-ugnayan agad sa mga awtoridad kung kinakailangan.
Para sa anumang emergency, tumawag sa Marikina Rescue 161:
LANDLINE HOTLINES
8-646-2436 to 38
8-646-0427
7-273-6563
MOBILE HOTLINES
0917-584-2168
0917-804-6352
0928-559-3341
0998-997-0115
0998-579-6435