Kinansela na rin ng NBA ang laro sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers sa Staples Center ngayon Miyerkules.

Ito ay bilang respeto na rin sa desisyon ng Lakers sa pagpanaw ni NBA legend Kobe Bryant.

Pinasalamatan naman ng Lakers organization ang mga nagapapatuloy na nagdarasal at nakidalamhati matapos ang pagkasawi ni Bryant.

Sa ngayon kasi ay marami pa ring mga fans ang nagtutungo sa harap ng Staples Center para maglagay ng bulaklak at kandila.