-- Advertisements --

Idineklara na sa state of calamity ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang isla ng Olanggo sa Lapu-Lapu City ngayong araw.

Ayon pa sa hepe ng CDRRMC na si Nagiel Bañacia, ginawa ito para ma access ang calamity fund ng nasabing lungsod kung saan may P7 million na assistance ang inilaan para sa apektadong pamilya ng kakulangan sa pagkain, medisina at suplay ng kuryente.

Itinigil muna ang suplay sa mga pagkain sa nakaraang mga araw sapagkat suspendido ang mga biyahe ng bangka dahilan na rin sa sama na dala ng panahon.

Maliban pa sa kakulangan ng suplay ng pagkain at medisina, apektado din ang hanapbuhay ng mga mamayan lalong lalo na ang mga mangingisda. Nagkaroon din ng rotational brownout sa isla dahil sa kakulangan ng fuel supply.