-- Advertisements --
Nasa West Philippine Sea na ang tropical depression Lanie, matapos ang pananalasa nito sa ilang bahagi ng Mindanao, Visayas at Luzon.
Nakapagtala ang Pagasa ng siyam na landfall o direktang pagtawid ng bagyo sa mga nasalantang lugar.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 365 km sa kanluran ng Coron, Palawan.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 kph.