BUTUAN CITY – Malaki ang pasasalamat ni Agusan del Norte 2nd District Congresswoman-elect Ma. Angelica Rosedell Amante-Matba sa lahat ng mga Agusanons dahil sa nakabibinging suportang kanilang ibinigay sa kanya at sa buong PDP-Laban para sa provincial slate.

Ito’y matapos nilang makamit ang 10-0 victory lalo na’t kanyang natalo ang kapatid na si incumbent Congressman Erlpe John Amante kungsaan uupo naman sa kanyang iiwang posisyon ang kapartidong si Dale Corvera habang na-retain naman sa kanyang pwesto si re-elected Vice Gov. Ramon AG Bungabong.

Nanalo ding provincial board members sina Bobong Chan, Babette Calo, Rudy Pitogo, Nieva Famador, James Reserva, Dick Victor Carmona at Erwin Dano.

Kaugnay nito’y nanawagan ang bagong kongresista sa kanilang mga natalong kalaban lalo na sa kanyang Manoy Ping na makikipagtulungan na lamang sa kanila at kalimutan na ang kanilang away sa pulitika.