-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng Land Bank of the Philippines (LandBank) na ang lahat ng mga transaksyon na may kinalaman sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay lehitimo.

Kasunod to sa pag-kuwestiyon ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan kung bakit pinayagan ng LandBank Malolos Highway Branch na maglabas ng P457 milyon na cash sa loob ng dalawang araw.

Ang nasabing halaga ay ibinigay sa Syms Constructions, isa sa mga contractors ng DPWH na sangkot sa multibillion-peso infrastructure corruption issue.

Paliwanag pa ng bangko na ang pondo sa account ng contractor ay mula sa Department of Budget and Management (DBM) at ito ay na-idisbursed ng DPWH.