Reading Time: 1 minute

Niyanig ng 4.5 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Lanao del Sur kaninang alas-3:13 ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang epicenter ng lindol sa layong walong kilometro sa timog kanluran ng Wao, Lanao del Sur.

May lalim lamang itong isang kilometro at maituturing na mababaw.

Base sa data ng ahensya, intensity two ang naramdaman sa Cagayan de Oro City.

Wala naman ditong inaasahang pinsala at aftershocks.