KALIBO, Aklan – Arestado ang isang lalaki sa isang buy-bust operation sa Sitio Angol, Brgy. Manocmanoc sa isla ng Boracay.

Ikinulong sa Malay Police Station ang suspek na kinilalang si Jade Deang Castro, alyas “Jack,” 45, tubong San Pedro Minalin, Pampanga at kasalukuyang nakatira sa naturang lugar matapos mabilhan ng isang sachet ng hinihinalang shabu gamit ang buy bust money na P1,200.

Dagdag na limang sachet ng hinihinalang shabu ang narekober sa isinagawang body search.

Kilala umanong tulak ng iligal na droga ang suspek at customer nito ang mga commercial sex workers sa isla. Dati na rin siyang nakasuhan ng human trafficking.

Isinailalim ang suspek sa drug test na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.