GENERAL SANTOS CITY – Kaagad inilagay sa isolation facility sa Sarangani province ang isang lalaki matapos nagpakita ng mga sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kinumpirma ni Alabel Mayor Vic Paul Salarda na residente ng Sitio Ahai, Barangay Alegria ang nasabing lalaki na umuwi galing sa Bajada, Davao City.

Plano ring kasuhan ng local government unit ang nasabing lalaki matapos na sumuway sa mga protocol kagaya ng pagdala ng medical certificate makaraang umuwi ng Sarangani.

Ayon sa alkalde, sinaalang-alang daw ng hindi napinagngalanang lalaki ang kalagayan ng kanyang pamilya nang umuwi ito kahapon.

Nagduda pa si Mayor Salarda dahil madaling araw dumaan ang suspek sa mga checkpoint sa kabila ng mahigpit na pagbabantay sa mga ito.

Pinasalamatan pa ng Mayor ang pag-report ng mga residente nang mapansin ang kalagayan ng nasabing lalaki na nagtrabaho sa Davao City.