Custodio capiz stage 4 cancer

ROXAS CITY – Pumanaw na si Marwin Custodio ang lalaking nag-viral sa social media site na Facebook na mayroong stage 4 osteosarcoma cancer, na nagpakasal sa kasintahan na si Mabel ng Barangay Cogon Ilawod, Panay, Capiz, kamakailan lamang.

Batay sa Facebook post ng mga kaibigan ni Marwin, binawian ng buhay ang biktima habang ginagamot sa ospital.

Napag-alaman na dinala sa ospital si Marwin matapos nahirapan itong huminga kahit mayroong gamit na oxygen.

Nasa tabi ni Marwin ang kanyang asawa at dalawang mga anak ng binawian ito ng buhay.

Matandaan na maraming mga netizens ang naantig ang mga puso matapos nag-viral sa Facebook ang pagpapakasal ng dalawa sa kabila ng pagkakaroon ng osteosarcoma cancer ni Marwin.

Napag-alaman na dalawang taong nakipaglaban si Marwin sa nasabing sakit matapos na ma-diagnose na may cancer.