-- Advertisements --

Ibinunyag ng vocalist ng bandang Three Doors Down na si Brad Arnold na ito ay na-diagnosed ng cancer.

Sa social media account nito ay emosyonal na inanunsiyo ang nasabing sakit.

Dagdag pa nito na siya ay dinapuan ng clear cell renal carcinoma isang uri ng kidney cancer.

Nadamay pa ang kaniyang baga na nasa stage 4 diagnosis.

Ganun pa man ay nananatili positibo ito at ipinapaubaya na lamang nito sa MayKapal.

Nagbigay naman ng suporta ang mga fans at ilang mga kapwa singer para mapalakas ang loob nito.