-- Advertisements --

Matagumpay na inilunsad nitong Huwebes, Mayo 8, ng Department of Health-7 at Cebu City Health Department ang Cervical Cancer Elimination (CCE) Campaign katuwang ang Jhpiego Philippines nitong Lungsod ng Cebu.

Layon pa nito ang agarang pangangailangan na tugunan ang cervical cancer sa pamamagitan ng pag-iwas, maagang pagtuklas, at napapanahong paggamot.

Batay sa data, nananatiling pangalawa sa pinaka karaniwang kanser sa mga kababaihan sa Pilipinas at nangungunang sanhi ng dami ng namamatay sa mga babaeng may Human Immuno Virus(HIV).

Kasabay nito, nagsagawa rin ang Cebu City Health Department ng libreng cervical cancer screening services gamit ang Human PapillomaVirus DNA testing at inilunsad din ang pilot demonstration ng iSCerv na isang plataporma para sa cervical cancer screening at pagsubaybay sa pasyente.

Sa pagtatanong ng Star FM Cebu, binigyang-diin ni Cebu City Health Department head Dr. Daisy Villa ang kahalagahan ng naturang programa para mapalawak ang access sa maagang pagsusuri, pag-iwas, at paggamot ng cervical cancer.

Sinabi pa Villa na bilang pilot area, handa pa umano ang Lungsod na manguna sa mga pagsisikap na maghatid ng direkta na libreng screening at edukasyon sa mga barangay, kahit sa anuman ang socio-economic background ng mga kababaihan kung saan target nila ang nasa 5,000 kababaihan.

Kasunod ng paglusad ng programang iSCerv ay ang pag-turn over din ng 3 mga thermal ablation devices sa mga testing centers nitong lungsod para sa mga kababaihan na gustong magpa-test ng nasabing karamdaman.

Base sa lumang datus ng nasabing ahensya, nakapagtala ngayong buwan ng Marso ng nasa 142 na pasyente at nadagdagan pa ito ng 30 mga pasyente na kinokonsidera na “high mortality rate” nitong lungsod.

Samantala, ang mga sintomas ng naturang cancer ay ang mga sumusunod; abnormal vaginal bleeding, foul smelling discharge, at post coinal bleeding.