Patay ang isang Japanese national matapos na lunukin nito ang 246 na plastic na naglalamang ng cocaine.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad lumalabas na nanggaling sa Mexico si Udo N patungo sa Japan subalit bigla na lamang itong nag-seizure.

Dahil sa pangyayari ay agad na nag-emergency ang eroplano sa Colombia at itinakbo ang biktima sa pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Laking gulat na lamang daw mga otoridad ng makita sa x-ray sa katawan ng biktima ang nasabing bilang ng mga sachet na kaniyang nilunok.

Magsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga otoridad ng Mexico.