Arestado ang isang lalaki sa ikinasang entrapment operations ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Maynila nitong Mayo 22.
Sa isang pahayag, kinilala bilang si alyas “Morris” ang naaresto ng mga otoridad matapos na tumanggap ng pera mula sa mga aplikante ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay CIDG Chief PMGen. Nicolas Torre III, modus umano ng suspek na magpakilala bilang may koneksyon sa loob ng tanggapan ng PCG na kay niya umanong impluwensyahan para sa kanilang mga recruitment at selection process kung saan nagbigay ng garantiya ang suspek na automatic selection sa mga aplikante sa halagang P350,000.
Samantala, ang suspek naman ay mahaharap sa ilalim ng National Prosecution Service dahil sa violation of Article 315 (Estafa/Swindling) ng Revised Penal Code for false pretense or fraudulent representation.
Nagpaalala naman ang CIDG sa iba pang mga aplikante hindi lmang sa PCG na idirekta ang kanilang mga concerns sa tamang ahensya ng gobyerno lalo na sa mga ganitong sitwasyon at agad na ipagbigay-alam sa mga otoridad ang insidente para sa isang mabilis na aksyon.