NAGA CITY – Arestado ang isang lalaki matapos nitong sunugin ang sariling bahay sa Sitio Gogon Barangay Dugcal, Camaligan, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Jerwin Mandia, 35.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na agad na rumesponde ang kapulisan matapos makatanggap ng impormasyon laban sa naturang suspek.

Naabutan ng mga ito si Mandia na may hawak na isang kahon ng posporo hanggang sa bigla na lamang lumiyab ang buong kabahayan.

Kaugnay nito agad ding rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) para maapula ang apoy.

Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.