-- Advertisements --

Nakapagtala ng lindol nitong alas-7:11 ng gabi sa lalawigan ng Camarines Norte at Camarines Sur.

May lakas itong 4.5 magnitude at may lalim na 62 kilometro at ang epicenter nito ay matatagpuan sa 13.90°N, 123.72°E, na nasa 2 kilometro sa hilaga-hilagang-silangan (N 50° E) ng bayan ng Garchitorena, Camarines Sur.

Ang naiulat na Instrumental Intensity ay ang bahagyang pagyanig sa Daet at Jose Panganiban sa Camarines Norte.

Nangangahulugan na ang lindol ay napakahina at mararamdaman lamang ng ilang tao, lalo na sa mga matataas na gusali, ngunit hindi ito nagdulot ng anumang pinsala.

Ang ganitong klase ng lindol ay hindi inaasahang magdudulot ng malaking epekto, ngunit ayon sa Phivolcs ay mahalagang patuloy na maging maingat at sumunod sa mga babala ng otoridad tungkol sa posibleng aftershocks o iba pang epekto ng paggalaw ng lupa.